Pinaplano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ipagbawal ang weekday sales sa mga shopping mall upang mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko, partikular ngayong Kapaskuhan.

Kaugnay nito, nakatakdang makipag-ugnayan ang MMDA sa mga mall operators kaugnay ng usapin.

Kabilang sa ilalatag ng MMDA sa mga mall operators na gawin na lamang tuwing weekend at holiday ang iniaalok na sale at i-adjust ang mall operating hours, gayundin ang limitasyon ng deliveries tuwing gabi lang simula Nobyembre 15.

Bella Gamotea

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod