Sumagot na si Vice President Leni Robredo tungkol sa sinasabi ni Senator Ping Lacson na naghand gesture si Senator Franklin Drilon na nagtuturo umano kina Senate President Vicente Sotto III at Robredo na nagpapakita umano ng "Sotto-Robredo" tandem sa kanilang pangalawang unification meeting.

Sinabi ni Robredo na noong una pa lamang ay bukas siya sa tungkol sa mga unity talks na ginagawa nila na tumagal halos dalawang buwan. 

"I was very open about the unity talks na ginagawa namin, nangyari 'yun for the period about two months. I was updating everyone not the details of the talks but how it was going," ani Robredo sa kanyang press conference nitong Biyernes, Oktubre 15. 

"Yung sa akin, ako yung nagseek out sa kanila and sa akin bakit naman ako mag-aaksaya ng panahon kung hindi ako seryoso doon sa ninanais ko sanang objective that will come out of the talks," dagdag pa ni Robredo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Robredo na hindi niya nakita na gumawa ng kahit anong hand gesture si Drilon.

"Yung sa akin, ako na ngayon ang magsasabi na hindi ko nakita si Senator Drilon na naghand signal," ayon sa presidential aspirant. 

"Pero para sa akin lang, wala namang any need for that. Kasi kung meron kaming mensahe na ipapaabot at ayaw naming marinig ni Senator Ping, edi sana si Senator Sotto na lang ang kinausap namin pero we requested to talk to both of them," dagdag pa ni Robredo.

"So sa akin wala kong nakikitang logic kung bakit. Nagrequest kami na makausap silang dalawa with the hope na may last minute attempt pa to come to an agreement. Pero walang intent at all na i-blind side o i-marginalized si Senator Ping para maghand signal o magpadala ng signal kay Senator Sotto. Kasi we could have easily just requested Senator Sotto if that was the intent," pagpapatuloy nito.

Sinabi rin ni Robredo na siya pa mismo ang nagrequest kay Drilon na mag-arrange ng meeting kina Lacson at Sotto. 

"Kung ang sadya lang namin ay si Senator Sotto, bakit kami mag-aarrange kay Senator Ping? So it doesn't make sense," ani Robredo.

Sa Pandesal Forum nitong Huwebes, Oktubre 14, inamin ni Senator Lacson na nainsulto siya sa pangalawang unification meeting nila ni Robredo. 

“After our second meeting with the Vice President Robredo and Senator Drilon. I felt that, you know, hindi naman talaga unification ang intention o yung objective,” ani Lacson.

Ani Lacson, sinabi sa kanya ni Sotto na gumagamit umano si Senador Drilon ng hand gesture na para bang itinuturo nito si Vice President Robredo at Senate President Sotto.

“During our second meeting, tinuro niya si Vice President Leni tsaka si Senate President Tito Sotto na sila ‘yung magkatandemin my face. It’s good that I didn't notice it. I was only informed by Senate President after our meeting,” ayon kay Lacson.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/15/lacson-nainsulto-sa-pangalawang-unification-meeting-kay-robredo/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/10/15/lacson-nainsulto-sa-pangalawang-unification-meeting-kay-robredo/

Matatandaan din na nitong mga nakaraang araw ay nagpatutsada rin si Manila Mayor Isko Moreno kay Vice President Leni Robredo. 

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/15/robredo-sa-patutsada-ni-moreno-magpapaka-gentleman-nalang-ako/">https://balita.net.ph/2021/10/15/robredo-sa-patutsada-ni-moreno-magpapaka-gentleman-nalang-ako/