Kinumpirma ni Eastern Police District (EPD) chief, Brig. Gen. Matthew Baccay na nakalaya na ang aktor na si Jake Cuenca, gayunman, sinampahan nila ang aktor ng mga kaukulang kaso sa piskalya nitong Lunes.

Ayon kay Baccay, minor offense lang ang kaso ni Cuenca kaya pinakawalan na ito mula sa kustodiya ng mga pulis atlagpas na ang reglamentary period na 12 oras.

Kinumpirma rin ni Baccay na nitong Lunes lamang ng umaga nasampahan ng mga kasong reckless imprudence resulting in damage to property at disobedience to agents in authority si Cuenca matapos na hindi ito matuloy nitong Linggo.

"He was released from custody kasi lumagpas na ang reglamentary period of 12 hours since minor offenses 'yung kaso. Kanina po, by way of regular filing nasampahan ng Disobedience and Reckless Imprudence si Jacke Cuenca," ayon pa kay Baccay.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Ipinaliwanag ni Baccay na kung hindi nila palalabasin si Cuenca ay mairereklamo ng arbitrary detention ang mga pulis.

"Yes tama po by inquest pero since lumagpas na ang reglamentary period of 12 hours for minor offenses he has to be released from custody, otherwise arbitrary detention ang mga pulis, kahapon ng umaga (Linggo) was supposed to be for inquest pero di natuloy," aniya pa.

Matatandaang si Cuenca ay inaresto ng mga awtoridad noong Sabado ng gabi nang mabangga umano ang isang sasakyan ng mga pulis na nagsasagawa ng anti-illegal drug operations sa Mandaluyong City.

Sa halip na hintuan, tinakbuhan umano ni Cuenca ang mga pulis.

Kinailangan pang barilin ng mga pulis ang gulong ng itim na Wrangler na sinasakyan ng aktor bago siya maaresto.

Isang Grab driver naman ang tinamaan ng ligaw na bala dahil sa insidente

Ang biktimang siEleazar Bandolan Martinito, 43, ay isinugod sa Rizal Medical Center at nilalapatan na ng lunas.

Nauna nang inatasan ni Baccay ang Mandaluyong City Police na asikasuhin ang biktima at tiyaking sasagutin ang lahat ng gastusin nito.

Ipinaliwanag naman ng kampo ni Cuenca na natakot lang at nag-panic ang aktor kaya ito nagtangkang tumakas.

Mary Ann Santiago