Posibleng mabuong bagyo ang isa pang low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) nitong Miyerkules ng madaling araw.

Dakong 4:00 ng madaling araw nang mamataan ang sama ng panahon sa layong 1,525 kilometroSilangan ng Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Paliwanag ni weather specialist Aldczar Aurelio ng PAGASA, nag-iipon pa ng lakas ang LPA habang nagbabantang pumasok sa Pilipinas ngayong Miyerkules ng gabi.

Papangalanan itong 'Maring' kapag tuluyan nang nakapasok sa PAR.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaugnay nito, dakong 5:00 ng madaling araw naman nang lumabas na ng PAR ang bagyong Lannie.

Gayunman, mararanasan pa rin ang trough o extension ng bagyo na magpapaulan pa rin sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Antique, Aklan, Central Luzon, at Bicol Region sa susunod na mga oras.

Ellalyn De Vera-Ruiz