Magsisimula na ang taping ng pinakahihintay na "Darna: The TV Series" sa Nobyembre at na-ooverwhelmed na ang lead star na si Jane de Leon dahil busy na siya sa preparasyon para sa iconic role.

“Kinikilig ako na excited na kinakabahan sa totoo lang. Iba pa rin ang pakiramdam kapag malapit na kasi malapit na talaga kaming magsimula,” ayon kay Jane sa exclusive TV Patrol report.

Ibinahagi ng aktres ang tungkol sa active training at dieting para sa role niya at ibinahagi rin niya 'yung naramdaman niya nung sinukat niya ang superhero costume.

“Actually nakapagfit na ako ng costume. Naiyak ako, ‘yung feeling na nilalagay na sa akin ‘yung headdress. Nagpapasalamat ako kay Lord na matutuloy na,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Magpapatuloy ang pre-production ng "Darna" ngayong Oktubre. 

Pinasalamatan ni Jane ang Ravelo Family bilang paggunita sa 115th birth anniversary ng Darna creator na si Mars Ravelo sa Oktubre 9.

“Gusto kong pasalamatan ang Ravelo family sa ‘di matatawarang legacy na paglikha sa superhero natin na si Darna at sa pagtitiwala sa akin na ibigay ang bato. Maraming salamat po,” ani Jane.

Ayon sa TV Patrol report, papangalanan ang direktor ng teleserye sa susunod na linggo.