Isasama na rin ng Pilipinas sa bilang ang positive results mula sa rapid antigen tests sa COVID-19.
Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Biyernes, Setyembre 24, matapos ang meeting ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
“The IATF directed its Regional IATFs and Task Forces to monitor the allocation and utilization of rapid antigen tests to further improve the reporting of COVID-19 cases,” aniya.
“Relative to this, the Department of Health (DOH) National Capital Region Center for Health Development is directed to facilitate registration of facilities using rapid antigen kits and to ensure that antigen line list be collected and consolidated from health facilities, temporary treatment and monitoring facilities, and their own [local government units] for submission to the DOH,” dagdag pa niya.
“Yan po ang ating objective para maging mas mabuti po yung picture natin kung Ilan ang total cases natin," paglalahad pa ni Roque.
“Pero syempre, yung mga positibo, subject pa rin po yan sa confirmatory tests," paglilinaw niya.
Nakapagtala na ang bansa ng mahigit 2.4 milyon na kaso ng COVID-19 simula noong nakaraang taon sa pamamagitan ng transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests-- na siyang ginagamit bilang accurate testing method.
Isasailalim sa confirmatory tests ang mga nagpositibo sa antigen tests sa pagmamagitan ng RT-PCR.
“In addition, augmentation of disease surveillance staff and encoders are considered to ensure that [antigen] line lists are generated and submitted on a daily basis," dagdag pa ng palace official.Ellson Quismorio