BATANES-- Isinailalim ang probinsya ng Batanes sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Setyembre 20 hanggang Oktubre 4 matapos makapagtala ng 100 panibagong kaso ng COVID-19.

Umabot na sa 138 ang kabuuang kaso nito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang bayan ng Basco ang may pinakamaraming aktibong kaso na umabot sa 94 sinundan ng Uyugan na mayroon 10 kaso, habang sa Itbayat at Mahatao ay mayroong tig anim na aktibong kaso; apat naman sa bayan ng Sabtang at isa sa bayan ng Ivana.

Napagkasunduan ng Provincial IATF na ikansela ang inbound passenger flights upang hindi lumaganap ang virus.

Tiniyak naman ng pamahalaan ng Batanes na ginagawa lahat ng mga health workers at frontliners ang lahat upang pagtuunan ng mabuti ang community transmission ng COVID-19.

Liezle Basa Inigo