Hindi pa pinapayagan ang pagbabakuna sa mga menor de edad laban sa coronavirus disease (COVID-19), kaugnay nito, pinapayagan ang local government units na magsimula ng kanilang registration para sa mga menor de edad, ayon sa government health adviser.

Ayon kay Dr. Ted Herbosa, special adviser ng National Task Force Against COVID-10, na pinag-aaralan pa umano ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang mga datos kung papayagan na ang pagbabakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 17.

“As of now, yung pagbabakuna sa 12 to 17 years old ay hindi pa pinapayagan ng ating National Immunization Technical Advisory Group,” ani Herbosa sa isang public briefing.

“Naghihingi sila ng karagdagang panahon para ma-aral yung datos at science," dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binigyang-diin ni Herbosa na pinapayagan na ng NITAG ang local government units (LGUs) na simulan na ang registration ng mga menor de edad para sa pagbabakuna.

“Inallow na nila ang LGU na magrehistro para malaman natin kung ilan ba talaga ang mga kabataan na magiging candidate sa bakuna," aniya.

Kaugnay nito, pinag-uusapan rin nila kung gagamitin ba ang ilan sa mga suplay ng bakuna sa bansa sa booster shots ng mga healthworkers or ibibigay na sa mga menor de edad.

“Pinag-iisipan kung yung ating limitadong supply ay gagamitin ba natin ito sa booster ng mga health workers at ng mga senior citizens o ibibgay natin sa mga teenagers," ani Herbosa.

Jhon Aldrin Casinas