Binalaan ni Pangulong Duterte nitong Martes, Setyembre 14 si Senador Richard Gordon, na nangunguna sa imbestigasyon sa pagkuha ng gobyerno ng umanong 'overpriced' medical supplies, na kakampanya ito laban sa kanya kung sakaling tatakbo ito sa 2022 polls.
Hindi pa nakakapagdesisyon ang senador kung anong posisyon ang tatakbuhin nito para sa 2022, ngunit nauna niyang sinabi na bukas siya sa pagka-presidente kasama ang isang vice-presidential runningmate na isa umanong "health expert."
“I would like to remind Senator Gordon na I will campaign against you for being unfit to be a senator of this republic,” sinabi ni Duterte kay Gordon sa kanyang pre-recorded Talk to People nitong Martes.
Pinagsabihan ng punong ehekutibo si Gordon sa pagpipilit na bumili ang gobyerno ng medical supplies sa Chinese personalities.
“Others are trying to be a Chinese, when they are not. Ikaw naman, you're trying to be an American na hindi ka naman talaga totoong Amerikano," ani Duterte.
Kinuwestiyon din niya ang mga Senate hearings na tumatagal ng ilang oras, aniya inaaksaya lamang umano ng mga senador ang oras ng mga government officials na dapat ay mas dumalo sa kanilang trabaho.
“Every time there is a committee hearing you subpoena more than 100 resource persons and witnesses. And more than half of that number comes from the government. Instead of working, they stop to attend hearings that last for more than five hours. Tama ba ‘yang ginagawa ninyo," tanong ni Duterte.
“Are you crazy? Bakit ganun ka? Can you not approximate the time you take, to make these persons testified, question and answer,” dagdag pa niya.
Nagsimula ang "word war" ng dalawang opisyal matapos hanapin ni Gordon ang billion-worth government contracts saDepartment of Health (DOH), the Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS), ay Pharmally Pharmaceutical Inc.
Raymund Antonio