Dalawang babae ang binawian ng buhay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan nang mabangga ng isang truck ang kanilang sinasakyang kotse sa Barangay Ugong, Pasig City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga ito na sina Ayeseh Esgrina, 36, at Mary Ann Galit, 26, habang malubhang nasugatan at nilalapatan na ng lunas sa pagamutan ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Mal Abdul, 30, at Jesus Canaleta Jr. 30, pawang taga-Concepcion Uno, Marikina City.

Tumakas naman ang driver ng truck na sangkot sa insidente.

Sa ulat ni Staff Sergeant Rodolfo Agpuon, Jr. ng Vehicle Traffic Investigation Unit ng Pasig City Police, ang insidente ay naganap sa northbound lane ng C-5 Road flyover, dakong 2:30 ng madaling araw.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sakay ang apat ng isang Mitsubishi Mirage na may plakang DAO 8200 na minamaneho ni Canaleta, at binabaybay ang northbound lane ng C-5 Road flyover atpagsapit sa naturang lugar ay bigla na lang masagi ng truck ang kaliwang bahagi ng kanilang sasakyan at nakaladkad pa.

Malubhang nasugatan ang apat nang mahugot sila sa wasak na wasak na kotse.

Kaagad naman silang isinugod sa pagamutan, gayunman, binawian na nang buhay sina Esgrina at Galit.

Pinaghahanap pa ang driver ng truck na nahaharap sa kasongreckless imprudence resulting in multiple homicide, serious physical injuries and damage to property.

Mary Ann Santiago