Walang intensyon na tumakbo sa Senado si Bise Presidente Leni Robredo sa darating na May 2022 polls.

Sa isang panayam sa telebisyon, tinanong si Robredo kung ay plano itong tumakbo sa pagka-senador sa darating na eleksyon.

"No, I'm not," ani Robredo nitong Lunes, Setyembre 6.

“Tingin ko hindi iyong ang aking strength," dagdag pa niya. 

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nauna na niyang sinabi na binibigyan niya ang kanyang sarili ng panahon upang magdesisyon hanggang Oktubre 8, huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) na itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga elective positions sa 2022 elections.

Mahigit 200 volunteer groups sa buong bansa ang pumirma na ng manifesto na nananawagan na tumakbo si Robredo sa pagka-presidente.

Ani Robredo, Kung hindi siya tatakbo bilang presidente, puwede siyang tumakbo sa isang local post sa Camarines Sur o 'di kaya ay magretiro.

“I can just help the next administration if I don’t run for president,” aniya.

Nagpasalamat din si Robredo sa mga volunteer groups na nagsusulong na tumakbo ito sa pagka-pangulo.

“I’m very, very grateful for the trust and support. As I’ve been saying, I don’t take this trust lightly and I continue to give serious thought to this," ani Robredo.

Sa mahigit na 200 na grupo, kabilang dito ang sektor ng mga manggagawa, health care workers, mga kabataan, mga artista na sina Pia at Saab Magalona, Enchong Dee, Bianca Gonzales, at singer na si Bituin Escalante, ang nagpahayag ng suporta sa posibleng pagkandidato ni Robredo sa pinakamataas na puwesto sa bansa.

Nagpahayag din ng suporta ang mga abogadong katulad nina Romulo Macalintal, Chel Diokno, dating Supreme Court spokesperson Theodore Te, at Dean Mel Sta. Maria.

Raymund Antonio