Naglunsad ng magkasanib na pagsasanay sa karagatan (maritime drills) ng Subic, Zambales ang US Coast Guard at ang Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes. Patunay ito sa gumagandang relasyon ng United States at ng Pilipinas.
Sinabi ng mga opisyal na ang joint exercises ay bahagi ng commitment ng PCG at ng United States Coast Guard (USCG) na maisulong ang seguridad at pagpapatupad ng batas sa karagatan at katubigan na saklaw at nasa hurisdiksyon ng ating bansa.
“Ang tagumpay ng magkasanib na maritime exercise sa pagitan ng PCG at USCG ay hindi lamang magpapalakas sa international partnerships para sa mabilis na pagtugon sa mga kalamidad at sakuna, kundi para rin sa ating mga tauhan na makatupad sa kanilang tungkulin na kontrahin ang terorismo at iba pang uri ng lawlessness sa katubigan ng ating bansa,” pahayag ni PCG Commandant Adm. George Ursabia Jr.
Tampok sa pagsasanay ang vessel communication, search and rescue (SAR), small boat operation, multi-vessel maneuvering at emergency response operation in distressed situations such as fire onboard and man overboard.
"Partnering with the Philippines to enhance maritime governance, including important missions such as search and rescue and enforcement of fisheries laws and treaties, is essential to the security, stability and prosperity of all nations,” pahayag ni Vice Admiral Michael McAllister, commander ng USCG Pacific.
Kaugnay nito, pinapurihan ni Captain Blake Novak, commanding officer ng USCG cutter Munro, ang mga tauhan ng PCG sa kanilang propesyonalismo at mabuting pakikitungo. Ang 418-foot vessel ay nag-ooperate sa ilalim ng tactical control US Navy’s 7th Fleet.
“As the maritime security challenges in the Indo-Pacific region become increasingly complex, partnering with our Coast Guard counterparts is vital to our shared interest in a free and open maritime environment,” ayon kay Novak.
Ginamit sa pagsasanay ang mga barko ng PCG na kinabibilangan ng BRP Gabriela Silang, BRP Sindangan, BRP Capones at airbus helicopter CGH-145. Lumahok din sa joint drills ang BRP Lapu-Lapu ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
-0-0-0-
Mga kababayan, patuloy sa pagdami ang bilang ng Covid-19 cases sa mahal nating Pilipinas. Mahigit na sa dalawang milyon ang tinamaan ng virus samantalang mahigit na sa 33,000 ang pumanaw sanhi ng salot na itong patuloy sa pananalasa. Mag-ingat tayong lahat at sundin ang health protocols.