Hinimok ng opposition coalition 1Sambayan na maglunsad ng imbestigasyon ukol umano sa “web of corruption” na pinag-ugatan ng mga anomalya ng pag-procure ng bilyong halagang “overpriced” medical supplies at iba pang kagamitan ngayong nahaharap sa krisis ng pandemya ang bansa.

Sa pahayag na isinapubliko ng 1Sambayan sa Facebook nitong Miyerkules, Setyembre 1, igiit ni retired Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nararapat na magkaroon ng transparent investigation sa tila “criminal assault” sa demokrasya.

“We deserve, if warranted, a comite de condenar, not a comite de arreglo or absuelto,”sabi ni Carpio.

Naglabas ng pahayag ang 1Sambayan kasunod ng congressional inquiries at ilang imbestigasyon ukol sa ulat ng Commission on Audit (COA) sa P67.3 bilyong halagang “deficiencies” sa pondo ng Department of Health (DOH) na tila nag-uugnay sa mga kaalyado ni Pangulong Duterte.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“The alleged irregularities in the award of P8.7 billion worth of contracts that funded Bayanihan 1 and 2 laws spawn the appalling prospect of seeing a web of corruption,”dagdag ni Carpio.

Ayon sa ilang mga naunang ulat, ang P67.3 bilyong pondo ay inilipat sa Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) na nagsilbing one-stop-shop para sa mga ahensya ng gobyerno sa pagbili ng medical supplies.

Sa nasabing halaga, ang DBM-PS na pinangunahan ni Senator Bong Go’s Palace aide, Christopher Lloyd Lao, ay nakatanggap ng P8.6 billion worth of procurement para sa Pharmally Pharmaceuticals, isang kompanya na nairehistro lang noong Setyembre 2019 at mayroong kapital na P625,000.

Anim na buwan matapos ang registration, naiuwi ng pharmaceutical company ang ilang kontrata sa gobyerno na ayon sa mga mambabatas ay mga overpriced medical supplies.

Para kay Carpio-Morales, isang “nakababahalang relebasyon” ang COA reports at nagbukas pa ng panibagong kontrobersya ang mga kaugnayan sa pagitan ng dating adviser ni Duterte na si Michael Yang at ng Pharmally Pharmaceutical Corp.

Raymond Antonio