NICKSTRADAMUS

ni Nick Nañgit

BITUIN SA LANGIT

(Weekly Horoscope 29 Agosto – 4 Setyembre)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aries (21 Marso hanggang 20 Abril)

Tila hindi masyadong gagalaw ang mundo mo sa pagpasok ng linggong ito. Ang enerhiya ay mahina sa lahat ng gawain. Makinig lamang. Huwag magmadali. Babalik din ang iyong sigla sa pagpasok ng susunod na buwan.

Taurus (21 Abril hanggang 21 Mayo)

Sa una’y parang hindi ka masigla, subali’t lalakas muli ang iyong kalooban hanggang sa matapos ang linggong ito. Magmasid at isipin kung paano mo pauunlarin ang sarili ng walang sinasandigan. Ang susunod na buwan ay makakasundo mo, subali’t ito’y puno ng gawain at pagtutok sa lahat ng bagay, maliit man o malaki.

Gemini (22 Mayo hanggang 21 Hunyo)

Nasa iyo ang katapangan at katalinuhan na kasundo ng planetang naghahari sa kasalukuyang konstelasyon. Maaayos mo at maaalagaan ang maraming bagay na matagal mo nang gustong simulan. Tutukan ang sariling pag-unlad.

Cancer (22 Hunyo hanggang 22 Hulyo)

Kung akala mo ay ayos na ang lahat, saka naman magiging maramdamin ka. Marami kang iisipin mula sa kabuhayan hanggang sa kinabukasan ng pamilya. Marami ring magbabalik na alaala, pero huwag kang sumuko. Aralin lang ng maigi ang mga hakbang na gagawin mo.

Leo (23 Hulyo hanggang 22 Agosto)

Parang papalit-palit na emosyon ang iyong mararamdaman ngayong linggo. Isa isa lang. Huwag masyadong mag-isip ng malalim. Hindi ka mag-isa. Huwag magpasya ng ikaw lang. Gustohin mo mang maayos agad ang iyong kalagayan, maghintay lang. May biyaya ang pagiging masinop.

Virgo (23 Agosto hanggang 22 Septyembre)

Dahil mas lalong magiging maigting ang epekto sa iyo ng konstelasyon mo, marami kang tututukan na gawain. Huwag kang sumuko. Ituloy lang ang mga sinimulan. Marami kang magagawa at maaasahan ka sa lahat ng layunin mong magdadala ng kabutihan sa mga malalapit sa iyong puso.

Libra (23 Septyembre hanggang 22 Oktubre)

Ang simula ng linggo ay may dalang sigla, dahil tila nakalimutan mo na ang mga suliranin na sa iyo rin nanggaling. Subali’t huwag makatitiyak. Gamitin ang kaalaman, para ayusin ang sarili. Sa kalagitnaan, bababa ang iyong tiwala sa sarili at manghihina ang kalooban. Pansamantala itong babalik muli, pero mas magiging maayos ang iyong kaisipan.

Scorpio (23 Oktubre hanggang 21 Nobyembre)

Yung katapangan mo ang tanging maaasahan, para isulong ang mga mahahalagang bagay na makatutulong sa maraming taong malalapit sa iyo. Pagdating sa kalagitnaan ng linggo, makakakuha ka ng lakas sa mga bagong ideya. Ituloy lang ang laban. Marami kang magagawa para sa kabutihan.

Sagittarius (22 Nobyembre hanggang 21 Disyembre)

Magkahalong katigasan ng loob at hangaring makagalaw ang mararamdaman mo sa simula ng linggo. Pahinga ka lang muna. Maaayos mo rin ang mga bumabagabag sa iyong kaisipan. Kahit magiging maramdamin ka bago magtapos ang linggo, lilinaw din ang iyong isip at magbabalik ang sigla na simulan muli ang isang bagong yugto sa iyong buhay.

Capricorn (22 Disyembre hanggang 19 Enero)

Kahit dapat ay kasundo mo na ang konstelasyon ng buwang parating, may gulo ka pa ring haharapin. Huwag ipipilit ang mali. Laging isipin na kung aayusin mo ang sarili mo muna, saka mo maaayos ang iba. Ang dati mong ipinangako ay hindi na matutupad. Ikaw rin naman ang nagdala ng suliranin sa iyong buhay.

Aquarius (20 Enero hanggang 18 Pebrero)

Kasundo mo ang katigasan na haharapin sa simula ng linggo, subali’t kaya mo namang sumakay sa mga pagbabago. Parang alon sa dagat ang mararamdaman mo. Minsan masigla ka, tapos biglang manghihina ang iyong kalooban. Huwag mangamba, dahil kasama ito sa mga pagbabagong parating sa iyo at sa iyong pamilya.

Pisces (19 Pebrero hanggang 20 Marso)

Yung inaakala mong wala ng lunas ay mayroon pa pala. Ang aral na matututunan mo ay ang magtiwala lagi sa sariling kakayanan. Ang bilis mo kasing sumuko o maglabas ng sama ng loob na para bang laging may suliraning nakaabang. Yung kalungkutan ay pansamantala lamang. Yakapin ang seryoso at maaasahang bahagi ng iyong buhay, hindi yung katauhang tumatakas sa problema.

Para sa Pagbabasa ng Orakulo gamit ang tarot cards, sa mga angkop na Crystals, at sa iba pang katanungan tungkol sa Kababalaghan, mag mensahe lang sa sulatronikong[email protected]at panoorin din ang mga vlogs ng Nickstradamus channel sa YouTube.

Hanggang sa muli, Liwanag, Pag-ibig, at Buhay, Namaste!