Tila nakagugutom tingnan ang art tribute na ginawa ni Mark Noel Daras, 18, young artist mula sa Tarangnan, Samar para kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao, dahil gawa ito sa bread toast o mga tinapay.

Ayon sa panayam ng Balita Online kay Daras, ito ang naisipan niyang gawing medium dahil nag-iisip siya ng kakaibang paraan kung paano maipakikita ang kaniyang talento, at pagpupugay para kay Manny.

"Naisipan ko po ang bread toast medium dahil gusto kong maging kakaiba ang aking obra at gusto ko makakita ang ibang mga tao ng ganitong kakaibang obra," aniya.

"15 hrs. po ang ginugol ko para matapos ang obra na ito," dagdag pa niya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

No description available.
Larawan mula sa FB/Mark Noel Daras

No description available.
Larawan mula sa FB/Mark Noel Daras

No description available.
Larawan mula sa FB/Mark Noel Daras

No description available.
Larawan mula sa FB/Mark Noel Daras

Mga hindi lalagpas sa 100 piraso ng tinapay ang ginamit niya upang mabuo ang kaniyang kakaibang obra maestra.