Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City— Isinailalim sa training ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority- Isabela School of Arts Trades (TESDA-ISAT), ang 25 PNP personnel ng Isabela PPO sa bread and pastry production.

Nakumpleto ng 25 PNP personnel ang 18 araw na training at nagkaroon ng graduation ceremony noong Agosto 20, 2021.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Photo courtesy: ISABELA PPO

Kasama sa 18 araw na training ang wastong mga pamamaraan at hakbang sa paggawa ng tinapay at nagkaroon din actual performance ang mga trainees. 

Pinangasiwaan ni Armeiza B. Pajarillo, BPP NC II Trainer, ang training sa 25 PNP personnel.

Ayon kay Lt. Col. Andree Abella, spokesperson ng Police Regional Office 2, ang aktibidad na ito ay parte ng PNP-TESDA MOA program na inaalok sa mga tauhan ng PNP upang madevelop ang kanilang kakayahan.

Makatutulong umano ito sa kanila upang magkaroon ng iba pang mapagkukunan ng kita lalo na sa panahon ng pandemya.

Ang national assessment sa mga graduates ay naka-iskedyul sa unang linggo ng Setyembre bilang pangangailangan sa kanilang kwalipikasyon sa National Certificate II (NC II) na gaganapin sa TESDA-ISAT, Calamagui, 2nd City ng Iligan.

Liezle Basa Inigo