BITUIN SA LANGIT ni Nickstradamus

(Weekly Horoscope 15-21 Agosto)

Aries (21 Marso hanggang 20 Abril)

Magsisimula ang linggo na may pag-aalinlangan. May gusto kang baguhin at palitan, pero hindi ka sigurado kung itutuloy mo. Pag-isipang maigi, dahil walang balikan ito. Tiyakin mong may aako sa mga sisimulan mo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Taurus (21 Abril hanggang 21 Mayo)

Parang napag-iwanan ka na ngayon. May mas malalim na dahilan na ipinaparamdam sa iyo ang mas mataas mong kamalayan. Marami pang pagbabagong magaganap sa iyo, at mahihirapan kang harapin ang mga ito. Pananagutan mo ang mga nakalipas na pagpapasya.

Gemini (22 Mayo hanggang 21 Hunyo)

Yung mararamdaman mong kalayaan ang magpapalawak sa iyong kaisipan. May mga nakasanayan ka na, pero huwag kang magpapatali. Higit sa inaakala mo ang hangganan ng iyong kakayahan. Gamitin ang linggong ito, para pag-aralan ang ikauunlad mo.

Cancer (22 Hunyo hanggang 22 Hulyo)

Mananatili kang maramdamin, pero kailangan mong makawala sa kasalukuyang pananaw na magtatali lang sa iyo. Magtiwala sa sarili. Tutukan ang layunin para sa pamilya, at harapin ang kakaibang paraan na magpapagaan sa iyong mga tungkulin.

Leo (23 Hulyo hanggang 22 Agosto)

Unti-unti nang mababawasan ang iyong kapusukan, dahil maliliwanagan ka sa maraming bagay. Kailangan mo lang tignan sa malayong perspektibo. Harapin mo ang mga pagbabago, kung gusto mong umunlad. Hindi ka mag-isa.

Virgo (23 Agosto hanggang 22 Septyembre)

Dala pa rin ng linggong ito ang katotohanan na nagpamulat sa iyo, pero dahil sa bilis at talas ng iyong kaisipan, makakayanan mong ayusin at iwasto ang mga masalimuot na suliranin. Kaya mong harapin ang mga pagbabagong darating.

Libra (23 Septyembre hanggang 22 Oktubre)

Gustuhin mo mang magkaayos kayo, hindi ito mangyayari hangga’t hindi mo tatanggapin ang iyong pagkakamali. Bago dumating ang Kabilugan ng Buwan, may mga nakakagulat na pangyayaring magpapamulat sa iyo para harapin ang katotohanan. Humingi ka ng paumanhin na bukal sa kalooban. Huwag kang magsinungaling.

Scorpio (23 Oktubre hanggang 21 Nobyembre)

Apektado ka sa pagpasok ng linggo ng mga bagay bagay na hindi mo kayang harapin. Pilit mong lalakasan ang iyong kalooban, subali’t manghihina ka lamang. May mga kaganapang nakatakda na talaga. Mas makabubuting sumama ka na lang sa daloy ng pagbabago. Lilinaw din ang kahalagahan nito.

Sagittarius (22 Nobyembre hanggang 21 Disyembre)

Mas masigla ka ngayong linggo kumpara sa dati, at bago sumapit ang Kabilugan ng Buwan, marami kang magagawa na ika-uunlad mo. Kailangan mo lang manindigan at hindi yung puro pangarap. Harapin ang mga pagsubok ng buong tapang. Walang mawawala sa iyo.

Capricorn (22 Disyembre hanggang 19 Enero)

Kahit na gusto mong baguhin ang iyong kinalalagyan, hindi na ito magiging madali. Lumipas na kasi ang panahong ayusin ang sarili. Kailangan mo nang manindigan na walang sinasandalan. Walang ibang paraan, lalo pa’t marami pang pagbabago ang magaganap. Marami kang aral na matututunan.

Aquarius (20 Enero hanggang 18 Pebrero)

Itong darating na linggo ay punung-puno ng maraming gawain. Kaya lang, bago dumating ang Kabilugan ng Buwan, medyo manghihina ka na. Kailangan mong magpalakas sa kalagitnaan, dahil mas marami ka pang haharapin na mga bagong tungkulin pagpasok ng Uranus Retrograde.

Pisces (19 Pebrero hanggang 20 Marso)

Patuloy ang pagharap mo sa katotohanan. Huwag mo itong kontrahin at huwag ka rin mawawalan ng tiwala sa sarili. Sumabay lang sa alon. Huwag susuko. May mga bagay na makabubuti sa iyo pagdating ng araw. May mga dapat ka na ring iwasan.

Para sa Pagbabasa ng Orakulo gamit ang tarot cards, sa mga angkop na Crystals, at sa iba pang katanungan tungkol sa Kababalaghan, mag mensahe lang sa sulatronikong[email protected]at panoorin din ang mga vlogs ng Nickstradamus channel sa YouTube.

Hanggang sa muli, Liwanag, Pag-ibig, at Buhay, Namaste!