Pumirma na sa talent agency na Star Image Artist Management ang rising internet sensation, Daisy Cabantog o mas kilala bilang si "Madam Inutz" ngayong Biyernes, Agosto 13.

Larawan: Star Image Artist Management/FB

Kinumpirma ito ng ahensya sa kanilang Facebook post. Pahayag nito, "Welcome to Star Image Family Daisy Our Queen lnutz."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Maraming Salamat sa lahat na patuloy ang pag supporta sa ating Queen of Online Live Selling!" dagdag pa ng Star Image Artist Management.

Kamakailan lamang sumabog ang pangalan ni Madam Inutz matapos siyang kagiliwan ng mga netizens sa kaniyang kakaibang istilo ng pagbebenta ng damit online.

Basahin: #MadamInutz—Online seller na walang miners pero hakot sa viewers

Madalas kasi itong magmura at magsabi ng “inutil” sa kanyang pagbebenta ng damit, sinasabay din niya ang pagsayaw ng iba't-ibang Tiktok dance steps kaya naman ay lumobo ang bilang ng mga nanunuod sa kaniyang Facebook live.

Larawan: Star Image Artist Management/FB

Ang Star Image Artist Management ay isang talent agency na kinapapaluoban nila Marlou Arizala o mas kilala bilang si Xander Ford, Buknoy Glamurr, at Marjorie o "You do note" girl.