BITUIN SA LANGIT (Weekly Horoscope 8-14 Agosto)

Aries (21 Marso hanggang 20 Abril)

Mabubuhayan ka ng kalooban simula ngayong Bagong Buwan. Ang elemento ng apoy ay muling maglalagablab sa iyo at handa kang makipag-tagisan, dahil sa iyong angking tapang. Pagtutulungan ang kasagutan.

Taurus (21 Abril hanggang 21 Mayo)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magsisimula ang linggo ng may pagmamatigas ng damdamin, subali’t pagdating ng kalagitnaan nito, mauunawaan mo rin ang mga kaganapan. Kinakailan mo nang baguhin ang iyong pananaw, dahil hindi na uubra ang mga dati mong paniniwala. Mananatili ang kirot, dahil aral ito sa iyong pagiging makasarili.

Gemini (22 Mayo hanggang 21 Hunyo)

Unti-unting lilinaw sa iyo ang mga bagay-bagay sa tahanan man o trabaho. May kilig ding mararanasan. Pigilin ang bigla-biglang pananalita. Makinig lang muna. Lalabas ang mga lihim.

Cancer (22 Hunyo hanggang 22 Hulyo)

Tila hindi mo alam ang iyong direksyon sa simula ng Bagong Buwan. Magkahalong maramdamin at may kapusukan kang mararanasan. May mga biglaang pagpapasya, pero huwag kang magpapapilit. Panindigan mo ang iyong paniniwala. Magtatapos ang linggo na lilinaw rin ang dapat mong gawin.

Leo (23 Hulyo hanggang 22 Agosto)

Mas magiging malinaw ngayon ang mga haharaping pagsubok at kung paano ito malalagpasan. Hindi ka mag aatubiling gumawa ng mga panibagong hakbang na matagal mo nang gustong gawin. Kahit mahirap baguhin ang kabuuan, makakaya mo pa rin. Ingatan lang na huwag padadala sa galit, para hindi makasama sa puso at presyon.

Virgo (23 Agosto hanggang 22 Septyembre)

Sisigla ka rin, pero hindi agaran. Magkakaroon ka ng maraming pagpipilian. Magtiwala lang sa sariling kakayanan, at may pagtutulungang darating. Ingat sa pagkain. Ingat din sa matatamis ang dila.

Libra (23 Septyembre hanggang 22 Oktubre)

Mapipilitan kang palakasin ang iyong kalooban, dahil hindi mo na maipagkakaila pa ang katotohan. Yung tapang ng iyong kausap ay madaragdagan pa, dahil din sa iyo. Iwasan ang mga maaalat na pagkain at ang mga bagay na makasasama sa iyong balat.

Scorpio (23 Oktubre hanggang 21 Nobyembre)

Dahil hindi ka magpapadala sa galawan ng karamihan, pakiramdam mo mag-isa ka lang. Hayaan mo sila sa kanilang gustong gawin. Malalaman din nila ang kanilang pagkakamali. Manindigan at magbubunga rin ang iyong pinaghirapan.

Sagittarius (22 Nobyembre hanggang 21 Disyembre)

Bagama’t may biglang mag uudyok sa iyo, aaralin mo muna ito at hindi ka agad magpapadala sa bagong alok, gaano man ito kaakit-akit. May mga nakatagong kasiraan na ikapapahamak mo lamang. Lawakan pa ang iyong kaisipan. Aayos din ang lahat.

Capricorn (22 Disyembre hanggang 19 Enero)

Huwag mong ipagpilitan ang iyong gusto. Matutulala ka lang. May mga bagay na hindi mo na maiiwasan. Kailangan mo lang tanggapin ito at baguhin ang sarili. Harapin mo ang bunga ng iyong mga pagkakamali.

Aquarius (20 Enero hanggang 18 Pebrero)

May pagpipilian ka. Kung ano man ito, tiyaking ikabubuti mo at hindi yung ikabubuti ng mga nag-udyok lang sa iyo. Huwag magpapasilaw sa mga alok na ikapapahamak lang ng pamilya. Isipin mo ang kinabukasan nila, dahil yan lang ang tunay na magpapasaya sa iyo.

Pisces (19 Pebrero hanggang 20 Marso)

Magugulat ka, dahil yung akala mong iiwanan ka ay hindi pala totoo. May mga bagong darating sa iyo na gantimpala, dala ng mga nasimulan mo dati na magaganda. Magtiwala lang sa sarili. Gamitin ang mga sapantaha sa nakikita, para umunlad.

Para sa Pagbabasa ng Orakulo gamit ang tarot cards, sa mga angkop na Crystals, at sa iba pang katanungan tungkol sa Kababalaghan, mag mensahe lang sa sulatronikong[email protected]at panoorin din ang mga vlogs ng Nickstradamus channel sa YouTube.

Hanggang sa muli, Liwanag, Pag-ibig, at Buhay, Namaste!