Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang bagong low pressure area sa labas ng area of responsibility ng bansa.
Ayon sa weather specialist na si Ariel Rojas, ang LPA ay nasa 1,670 kilometro, Silangan ng Mindanao, nitong ika-8 ng umaga, Sabado, Agosto 7.
Mataas ang posibilidad na pumasok ang LPA sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Linggo, Agosto 8.
Kung maging isang ganap na tropical depression ang LPA ay papangalanan itong “Isang," paglalahad ni Rojas.
Gayunpaman, walang direktang epekto ang LPA sa bansa ngayong Sabado.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na patuloy na bantayan ang mga official updates ukol sa panahon dahil maaari pa ring magbago ang mga naunang datos ng PAGASA.
Ang Bagyong “Huaning” ang tanging bagyo sa loob ng PAR ngayong Sabado at inaasahang lalabas ito ng PAR ngayong araw.
Ellalyn De Vera-Ruiz