Nagmula mismo sa bibig ni Megastar Sharon Cuneta ang rebelasyong sumailalim siya sa pagpapatapyas ng dede o breast reduction procedure na isinagawa sa Amerika.

Sa virtual media conference para sa kaniyang pelikulang 'Revirginized,' walang kiyemeng ibinunyag ni Mega na tinotoo niya ang pangakong magpapabawas siya ng hinaharap; panay-baba umano kasi ang strap ng bra niya habang nagaganap ang press con, kaya hindi na siya nakapagpigil na aminin ito.

Aniya, lumaki raw ang dede niya dahil nadagdagan ang kaniyang timbang at nagpa-breastfeed siya sa bunsong anak na si Miel. Bukod sa pagpapabawas, ipinaangat din niya ito nang kaunti sa pamamagitan naman ng breast lift procedure.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Sharon Cuneta – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Pinaalala niya rin sa press na nagpaabiso na siya tungkol dito sa isang Instagram post noong Hunyo 13, 2021 kung saan makikita ang litrato nila ni Marco Gumabao na kuha naman mula sa isang eksena ng pelikulang pinagbibidahan nila.

Litaw na litaw ang malusog na dede ng Megastar sa suot na pulang bathing suit, with matching palitaw ng malalim na cleavage; well, bagay na bagay naman talaga sa tema ng kanilang pelikula!

Caption niya sa larawan: “Titigan n’yo na pong mabuti. Kasi ba may liliit po sa pics na ‘yan. Hahahaha!”

Screenshot mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Kakaiba at mapangahas na Shawie umano ang mapapanood ng lahat sa kaniyang pelikula, na mapapanood via online streaming sa Agosto 6.