Nakakaloka ang mga marites na nang-iintriga ngayon sa relasyon ng mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza, na kesyo baka hiwalay na raw, dahil lang sa hindi nakita ang "Eat Bulaga" host sa mahahalagang event at okasyon sa buhay ng dalawa sa mga Atayde.
Batay sa mga kumakalat na tsika sa social media, hinahanap ng mga netizen si Maine sa birthday party ng Kapamilya actress na si Ria Atayde, misis ni Zanjoe Marudo. Si Ria ay nakababatang kapatid ni Arjo.
Makikita kasing kumpleto ang mga Atayde sa TikTok video na ibinahagi ng komedyanteng si Bayani Agbayani, na kalaunan, dinelete din, matapos tadtarin ng mga pang-uurirat ng mga netizen.
Isa pa sa mga nagpapatindi sa mga espekulasyon, hindi rin nakita si Maine sa birthday celebration ng kaniyang father-in-law na si Art Atayde.
Noong Marso 3, hindi rin nag-post si Maine ng kahit ano kasama ang mister.
Matatandaang todo-tanggol pa si Maine sa mister nang masangkot ang pangalan nito sa kontrobersiya ng flood control scandal, at sinabing nasa tabi siya ng kaniyang asawa sa paglilinis sa pangalan niya.
Maki-Balita: Arjo, walang tinatago depensa ni Maine: 'We are confident that we stand on the side of truth!'
Maki-Balita: Maine Mendoza sa akusasyon sa mister: 'I am with my husband in this!'
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang mag-asawa tungkol dito.