Kasunod ng anunsyo ng Malacañang sa muling pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila, naglabas ng pahayag ang Department of Tourism (DOT) nitong Biyernes, Hulyo 30, upang bigyang linaw ang publiko.
Ayon sa DOT, habang nasa General Community Quarantine with Heightened Restrictions (GCQ-HR) ang Metro Manila mula Hulyo 30 hanggang Agosto 5, lahat ng point-to-point (P2P) flights para sa lahat ng uri ng libangan ay agarang suspendido na. Gayunpaman, ang mga turistang pabalik sa NCR Plus (NCR, Bulacan, Cavite at Laguna) ay maari pa ring makapasok sa rehiyon.
Upang maiwasan ang pagsikip sa mga border ng NCR, lahat ng mga non-essential travel papunta at mula NCR Plus ay mahigpit na ipagbabawal. Tanging Authorized Persons Outside their Residences o APORs lamang ang maaring makapasok at makalabas sa NCR Plus.
Simula Agosto 1, mahigit na ipagbabawal ang mass gatherings kabilang na ang social events; meetings, incentives, conference and exhibitions (M.I.C.E), gayundin ang dine-in services sa mga kainan.
Sa huli, hinikayat ng DOT ang mga stakeholders nito kabilang ang mga hotel operators, airlines at travel agencies na hindi na magpataw ng dagdag na bayad upang makapag-rebook ang mga apektadong guests.
Dagdag ng DOT, ang lahat ng indoor tourist attractions ay maaaring hindi magbukas. Habang ang mga DOT-accredited establishmenst (AEs) sa labas ng NCR Plus ay maaaring hindi na rin tumanggap guests simula Hulyo 30.
Samantala, maaari pa ring masulit ang staycation para sa mga nauna nang nakapag-checked-in bago pa ang anunsyo. Papayagan ng DOT na matapos ang pananatili ng guests sa mga hotels sa orihinal na petsa ng check-out.
Tanging mga frontline services personnel na kailangan ng matutuluyan, mga sasailalim sa quarantineo long guests na pasok saDOT Administrative Order No. 2021-004-A, at APORs lamang ang papayagang manatili sa mga DOT-accredited AEs.