Narito ang Weekly Horoscope simula Agosto 1-7, 2021

Aries (21 Marso hanggang 20 Abril)

Magsisimula ang linggo na mag hihinay-hinay ka sa iyong pagkilos. Makiramdam. Pag-isipan maigi ang mga gagawin. Medyo mahirap tanggapin na hindi mo maitutulak ang iyong gusto, subali’t babalik ang iyong tapang bago mag Bagong Buwan.

Taurus (21 Abril hanggang 21 Mayo)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakatuon ang iyong pansin sa mga ari-arian na tila ba ayaw mong gumastos at may pinaghahandaan. Marami ka pa ring iisiping mga bagay bagay tungkol sa mga planong pang kinabukasan, lalo pa’t may kinalaman sa tahanan at mga anak. Sa pagtatapos ng linggo, mag aalab ang iyong damdamin, para sa bagong panimula.

Gemini (22 Mayo hanggang 21 Hunyo)

Medyo tahimik ang pagpasok ng linggo. Marami kang iisipin at kakausapin. Habaan ang pasensiya. Kung dati-rati’y nakatuon ang iyong pansin sa trabaho, ngayon ay pahahalagahan mo ang tahanan. Bago mag Bagong Buwan, magiging mitsa ka sa panibagong sisimulan ng isang malapit sa iyo.

Cancer (22 Hunyo hanggang 22 Hulyo)

Magkahalong lito ang mararanasan, dahil nga gusto mo mang magsimula, marami namang balakid na haharapin. Malakas ang tawag ng pamilya, subali’t hahatakin ka rin ng maraming kakausapin at iintindihin. Huwag mabibigla sa darating na responsibilidad. Mapapalitan ng tapang ang kawalan ng kumpiyansa.

Leo (23 Hulyo hanggang 22 Agosto)

Kung dati ay nakatuon ang pansin sa ari-arian, ibabaling mo ngayon ang iyong atensiyon sa kinabukasan ng mga anak o iba pang mahal mo. Marami kang iisipin. Sang-ayon ka sa bagong simulain, at gusto mo itong pamunuan, pero maging masinop. Huwag padalus-dalos sa iyong ikikilos.

Virgo (23 Agosto hanggang 22 Septyembre)

Dala pa rin ng katatapos lang na linggo ang mga responsibilidad na biglang na pa sa iyo. Matutugunan mo naman lahat ito, dahil sa bilis at linaw ng iyong pag-iisip. Papasok din ang responsibilidad sa trabaho na kaya mo namang harapin, basta’t huwag bibiglain.

Libra (23 Septyembre hanggang 22 Oktubre)

Gusto mong maging maayos ang lahat, kaya’t tutulong ka sa mga pagbabago ng tahanan at mga ari-arian. Magandang nagbibigay ka ng payo, dahil sa iyong malawak na karanasan. Palalakasin mo ang kalooban ng mga taong nanghihina sa iyong kapaligiran. Higit ka nilang kailangan ngayon.

Scorpio (23 Oktubre hanggang 21 Nobyembre)

Babalansehin ng iyong damdamin ang pag-aruga mo sa mga kaanak. Marami kang pakikinggan. Malalim ang iyong iisipin, at gusto mong maayos ang lahat. Haharapin mo ang Bagong Buwan ng may kasiglahan at dobleng pag-iingat. Hindi naman mawawala ang iyong mapanuring mga mata at damdamin.

Sagittarius (22 Nobyembre hanggang 21 Disyembre)

Handa kang maghintay, dahil alam mo na lahat ay apektado ng pagliit ng kanilang mga mundong ginagalawan. Panahon ito para mag isip at ayusin ang sariling gastusin. Malalagpasan mo naman ang lahat ng pagsubok bago mag Bagong Buwan. May patuloy na tutulong sa iyo. Saka na ang pagpapakasarap.

Capricorn (22 Disyembre hanggang 19 Enero)

Matapos mong ayusin ang maraming bagay bagay na may kinalaman sa iyong pag-unlad, mararamdaman mo bago magtapos ang linggo na kinakailangang tutukan din ang mga pangangailangan ng tahanan. Kung meron kang dapat ipasuri sa pangangatawan, gawin mo na, para hindi ito maging balakid kalaunan.

Aquarius (20 Enero hanggang 18 Pebrero)

Maraming magaganap na, bagama’t nakakahilo sa iba, ay ikatutuwa mo pa. Kayang kaya mo kasing harapin at tagpi-tagpiin ang mga butas na hindi nasisilip ng iba. Malinaw sa iyo ang tatahakin ng iba sa mundong inyong ginagalawan. Kaya mo rin makipagsabayan sa mga bagong sisimulan.

Pisces (19 Pebrero hanggang 20 Marso)

Huwag manghina sa dami ng gagawin at dapat matutunan. Mahahati ang iyong atensyon sa bahay at trabaho. Makakayanan mo naman ang mga pagsubok na darating. Hindi ka muna sasama sa daloy. Kilalanin ang sarili. Dala ng pagbabalik ng Neptuno ang pagmumulat sa iyong diwa.

Para sa Pagbabasa ng Orakulo gamit ang tarot cards, sa mga angkop na Crystals, at sa iba pang katanungan tungkol sa Kababalaghan, mag mensahe lang sa sulatronikong [email protected] at panoorin din ang mga vlogs ng Nickstradamus channel sa YouTube.

Hanggang sa muli, Liwanag, Pag-ibig, at Buhay, Namaste!