Dalawang mananaya ang maghahati sa mahigit₱36-milyong jackpot ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Sa isang paabiso, sinabi ni PCSO general manager Royina Garma na nahulaan ng dalawang mananaya ang winning combination na 34-40-08-24-36-30 kaya napanalunan ng mga ito ang katumbas na premyong₱36,083,471.

Nabili ng dalawang mananaya ang kanilang ticket sa Batangas City, Batangas at sa Muntinlupa City.

Pinayuhan din ng PCSO ang mga lucky bettors na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanilang winning ticket at dalawang valid IDs. 

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Mary Ann Santiago