Patay ang isang 95-anyos na babae at isang apo na lalaki matapos makulong sa nasusunog nilang stall sa loob ng isang public market sa Caloocan City, nitong Lunes ng hatinggabi.

Kinilala ang dalawa na sina Pacita Demagos, at Edwin Mendoza, 26, kapwa-taga-Camarin ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay naganap sa loob ng public  market sa Camarin, dakong 12:00 ng hatinggabi.

Nag-iisa lang na natutulog sa kanilang stall si Demagos nang maganap ang insidente, ayon sa BFP.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Nang mabalitaan ni Mendoza ang insidente, kaagad itong nagtungo sa lugar upang iligtas si Demagos, gayunman, hindi na rin ito nakalabas ng buhay.

Umabot ng ikalawang alarma ang sunog na naapula dakong 1:00 ng madaling araw.

Inaalam na ng mga imbestigador ang sanhi ng insidente at ang halaga ng natupok na ari-arian.

Orly Barcala