Weekly Horoscope Hulyo 25-31, 2021

Aries (21 Marso hanggang 20 Abril)

Medyo humihina na ang epekto ng elemento ng hangin, kaya’t medyo manghihina rin ang iyong kalooban. Panatiliing masigasig ang pagganap ng iyong mga tungkulin. Huwag padadala sa emosyon.

Taurus (21 Abril hanggang 21 Mayo)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magiging maramdamin ang simula ng linggo, subali’t lilinaw din ang iyong pananaw kalaunan. Kung may inagrabyado ka, humingi ng kapatawaran. Huwag pairalin ang katigasan ng ulo, dahil tiyak maaapektuhan ang iyong hanapbuhay at tahanan.

Gemini (22 Mayo hanggang 21 Hunyo)

Magaan ang pasok ng linggo, subali’t magiging urong-sulong ka sa iyong mga pinagkakaabalahan. Mapipilitan kang tanggapin ang mga kaganapang hindi na mababago.

Cancer (22 Hunyo hanggang 22 Hulyo)

Kung kinakailangan nang bigyang atensyon ang nararamdamang pisikal, sumangguni agad. Sa kalagitnaan ng linggo, tila magiging abala ka sa ibang bagay at muling ipagpapaliban ang iniindang sakit. Tandaan, nasa huli ang pagsisisi.

Leo (23 Hulyo hanggang 22 Agosto)

Tila lutang ka sa simula ng linggo na susundan ng pagiging emosyonal. Sa kalagitnaan, mapipilitan kang harapin ang mga pagsubok, lalo na’t may kinalaman sa ari-arian at ugnayan sa tahanan. Maging matatag.

Virgo (23 Agosto hanggang 22 Septyembre)

Kaya mong harapin ang mga pagsubok at marami kang matututunan sa pag asikaso ng maraming bagay. Mag aalab ang iyong damdamin, lalo pa’t kinakailangang ayusin ang ari-arian. Huwag magpadala sa galit. Maaayos din ang lahat.

Libra (23 Septyembre hanggang 22 Oktubre)

Makakayanan mo ang maraming pagbabagong magaganap. Hindi ka rin magpapadala sa silakbo ng damdamin. Kung may sisimulan, tiyaking matatapos ninyo ito, para rin sa kapanatagan. Hindi mo kakayaning mag-isa.

Scorpio (23 Oktubre hanggang 21 Nobyembre)

Hindi na mababago ang iyong isipan, lalo na sa mga bagay na sinimulan mo. Magiging emosyonal ka. Maghahalo ang mga nais baguhin, pero matatanggap mo rin kung anong nakatakda na. Tutukan ang pinagkakaabalahan.

Sagittarius (22 Nobyembre hanggang 21 Disyembre)

Hindi ka apektado sa pabagu-bagong isipan ng mga nasa paligid. Isusulong mo pa rin ang itong layunin, at kailangang pag-ipunan na ang binabalak na malaking gastusin ngayong taon. Huwag mawalan ng pag-asa.

Capricorn (22 Disyembre hanggang 19 Enero)

Taas-baba ang haharapin mo ngayong linggo. Lahat ata pagdaraanan mo. Maaayos naman sa katapusan ang mga gastusin at ang pagtatabi ng naipon. Magtiwala sa sariling kakayanan. Isipin din ang kalusugan.

Aquarius (20 Enero hanggang 18 Pebrero)

Unti-unting lilinaw ang mga sagot sa suliranin. Mapapagtanto mo na may mga bagay na mas mahalaga kaysa sarili. Sa pag-unawa mo maisusulong ang mga pagbabago, lalo na’t may kinalaman sa tahanan. Laging maging masaya.

Pisces (19 Pebrero hanggang 20 Marso)

Huwag padadala sa biglaang pagbabago ng damdamin. Ingat din sa mga nilalakad at nilalakaran. Huwag magmamadali, at laging isipin na pinakamahalaga pa rin ang pamilya. Hindi lunas ang pag-inom.

Para sa Pagbabasa ng Orakulo gamit ang tarot cards, sa mga angkop na Crystals, at sa iba pang katanungan tungkol sa Kababalaghan, mag mensahe lang sa sulatronikong[email protected]at panoorin din ang mga vlogs ng Nickstradamus channel sa YouTube.

Hanggang sa muli, Liwanag, Pag-ibig, at Buhay, Namaste!