Binalaan ng Philippine National Red Cross ang publiko sa panganib na dala ng leptospirosis. lalo na ngayong nakararanas ng baha ang malaking bahagi ng bansa dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong 'Fabian.'
“Hygiene and sanitation could not be overemphasized in the face of this disaster.This is why we are taking the next steps to secure the people from leptospirosis,” ayon sa pahayag ng PRC.
Ayon sa naturang humanitarian organization sa bansa, angleptospirosis ay isang “bacterial infection na mula sa ihi ng mga daga.
Upang mapanatiling ligtas ay dapat na alamin ang mga sintomas ng leptospiros.
Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng muscle, at ulo. Sa ilang kaso, kabilang din sa sintomas ang pananakit ng kalamnan at pamumula ng mga mata, ayon sa PRC.
Paliwanag ng organisasyon, kapag malala na ang sitwasyon ng pasyente, makakaranas na ito ng kidney failure kung saan apektado na ang utak at magreresultang kamatayan.
Payo pa ng PRC sa publiko, huwag lumusong sa baha at kung gagawin ay dapat na magsuot ng bota upang maiwasan ang nasabing sakit na mula sa bacteria.
Merlina Malipot