Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na maaaring i-reimburse ng mga government employee na nagwo-work-from-home ang kanilang gastos sa internet connection.
Idinahilan ni DBM Secretary Wendel Avisado na nakasaad ito sa kanilang Circular Letter 2021-7 na dahil sa COVID-19 pandemic ay maaring maibalik ang nasa P75-P300 kada buwan na gastos sa internet connections.
Tanging kailangan lamang ay magsumite ng kaukulang dokumento ang mga empleyado ng gobyerno para ma-reimburse ang kanilang nagastos.
Paglilinaw pa ng DBM, tanging mga regular, casual at contractual workers lamang ang papayagang makapag-reimburse.
Beth Camia