Nagpaalam na si Jaya sa “It’s Showtime” nitong Sabado, lilipad na siya pa-Amerika para makasama ang asawa na nauna nang bumalik doon. Pinasalamatan ni Jaya ang noontime show ng ABS-CBN sa pagtanggap sa kanya nang siya’y lumipat sa ABS-CBN.

“Nu’ng lumipat ako sa ABS, kayo ‘yung tumanggap sa’kin. For me, I am going to leave with a heavy heart. But I am happy because I’ve had the honor and privilege to work with very excellent host that truly accepted me and loved me,” naiiyak na pahayag ni Jaya.

Nagpasalamat din si Jaya na hindi totally nagsara ang ABS-CBN kahit wala ng franchise sa ngayon ang network dahil marami pa rin ang natutulungan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Of course, hindi rin nito nakalimutan ang Panginoon sa pagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na harapin ang mga challenges na kanyang hinarap sa panahon ng pandemic.

“Ako nagpapasalamat ako sa Panginoon, dito niya ko dinala. Tingnan mo, di siya nagsara. Lord, thank you for this opportunity to still... Me standing up in the midst of all my trials na ilang taon din ‘yun,” pasalamat ni Jaya.

Isa sa trials na hinarap ni Jaya ay nang ma-stroke ang husband niya, pero gumaling na raw ito at nakabiyahe na nga sa Amerika.

“Showtime,” “Tawag ng Tanghalan,’ ABS-CBN, my heart is with you. You will never close. I claim that because you’ve helped so many people not only the public, even me na isang singer na katulad ko. Namayagpag ng sandali dahil sa pagtanggap ninyo. Maraming salamat. I pray that when this station opens up, pagbalik ko again, sana tanggapin nyo pa rin ako. Sa lahat ng mga Kapamilya, maraming salamat for the honor and privilege,” patuloy ni Jaya.

Mabilis ang sagot ni Vice Ganda sa narinig kay Jaya, “Mahal na mahal ka namin sobra. Mahal na mahal ka namin bilang katrabaho at kaibigan... We will be forever be family, Jaya. And we will wait for your comeback.”

Nitz Miralles