Sa kulungan ang bagsak ng pitong Chinese na pawang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) worker nang aksidenteng mahulihan ng shabu matapos silang masita sa hindi pagsunod sa safety at health protocol sa Pasay City, nitong Miyerkules ng umaga.

Nasa kustodiya ng Pasay City Police at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Deng Hongsheng, 24; Kai Liu, 23; Li Mingfa,29; Li Xuan, 25; Li Donghui, 27; Huang Chun-Wei, 31; at Ruan Gouhui, 27, pawang nanunuluyan sa 1219 Azure Urban Resort Residence, Parañaque City.

Sa inisyal na ulat, nagpapatrulya ang mga tauhan ng 0 Pasay City Police nang mamataan ang pitong Chinese na magkakadikit habang pinagpapasa-pasahan ang paninigarilyo ng vape malapit sa isang establisimyento sa Diosdado Macapagal Blvd., Brgy. 76, Zone 10 sa nasabing lungsod, dakong 9:00 ng umaga.

Nang sitahin at hingan ng identification (ID) card ay aksidenteng nahulog ang iligal na droga sa bulsa ng isa sa mga ito kaya sila inaresto.

Eleksyon

Campaign billboard ni Pastor Apollo Quiboloy, spotted sa New York City

Bella Gamotea