TARLAC CITY- Sumabit ang limang katao sa kasong illegal gambling at pansamantalang nakadetine sa himpilan ng Tarlac City Police Station kamakalawa ng hapon.

Sa imbestigasyon na isinumite sa tanggapan ni Tarlac Police Chief Lieutenant Colonel Modesto Flores Carrera, ang mga naaresto ay sina Richard Garcia,45, single; Charito Masocol, 59; Marlyn Cunanan, 59; May Reyes, 47, may-asawa; at Violeta Subaido, 54, may-asawapawang mgaresidente ng Barangay Burot, Tarlac City na may Criminal Case Number 288-2021 na inisyu ni Presiding Judge Ryan Scott F. Robiños ng MTCC, Branch 1, Tarlac City na may piyansang P30,000.00 bawat isa.

Napag-alaman na ang limang suspek ay nasorpresa sa ginawang raid ng pulisya at hindi nakapalag nang sila'y arestuhin sa illegal gambling.

Sa nakalipas na araw ay sunod-sunod na nakaaresto ang pulisya ng mga sugarol sa iba't ibang lugar ng Tarlac City na sinampahan na ng kaso sa korte.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Leandro Alborote