Isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman, na nasa listahan bilang High Value Individual (HVI), ang nadakip sa isang buy-bust operation na ng pulisya sa Barangay Betag, La Trinidad, Benguet.

Nabatid kay Regional Information Officer Capt.Marnie Abellanida, ng Police Regional Office-Cordillera, ang suspek na nakilalang si Jhony Titiwa Palsa-en, 23, tubong Palina, Kibungan.

Ayon kay Abellanida, nakipagtransaksyon ang suspek sa mga operatiba ng Regional Intelligence Division (RID), Regional Intelligence Unit (RIU-14), at Benguet PPO nitong gabi ng Mayo 14.

Tatlong pakete ng shabu na may tumitimbang ng 0.8 grams at may standard drug price na P5,440 ang nakuha sa suspek.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

Napag-alaman na si Palsa-en ay SK Chairman ng Barangay Palina.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.