Tiyaga, pagsisikap at determinasyon ang naging puhunan ni Anthony Taberna o mas kilala bilang si Ka Tunying para marating ang kinalalagyan niya ngayon.

Marami ang nalungkot nang tuluyang mamaalam ang programa nila ni Gerry Baja na Dos por Dos, epekto ng pagkabigo na makakuha ng prangkisa ang Kapamilya network, isang taon na ang nakalilipas.

Sa paglipat ni Ka Tunying at partner Gerry sa DZRH ay patuloy silang naghahatid ng maiinit na balita, palitan ng komentaryo at kaganapan sa showbiz.

Sa social media ay mahigit isang milyon ang followers ni Ka Tunying sa Facebook. May 259,000 followers sa Instagram at 100,000 subscribers (silver button) sa YouTube.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Ka Tunying ngayon ang brand ambassador ng P.A. Properties And Development Corp.

"Perfect endorsement para akin dahil noon pa man ay nangarap akong magkaroon ng sariling bahay.'' wika ni ka Tunying.

Remy Umerez