ni STEPHANIE BERNARDINO

Sa edad na 51, pumanaw na si Ray Reyes, dating miyembro ng sikat na Puerto Rican boy band na Menudo.

Nagpaabot nanamn ng pakikiramay ang kanyang mga ka-banda sa pagpanaw nito.

Sa isang Instagram post nagpaabot ng pakikiramay si Charlie Masso, na nakaramdam ng “great sadness”sa pagpanay ng dating kasamahan.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Rest in peace Ray,” post ni Charlie.

Nagkomento naman si Filipino Broadway star Lea Salonga sa post ni Charlie ng:

“Oh no!!! Sending you all condolences, prayers and big hugs.”

Isang malungkot na sandali naman ito para kay Roy Rosselló.

Kasama ng pahayag na si Ray “will always be in our hearts.”

Isa ang Pilipinas sa pinuntahan ng Menudo, sa kasagsagan ng kanilang kasikatan noong late 1970s at early 1980s, ilan sa kanilang mga pinasikat na kanta ang If You’re Not Here, Please Be Good To Me, Like A Cannonball, at I’m Going Back to the Philippine.

Taong 1977 nang mabuo ang Latino boy band sa Puerto Rico ni producer Edgardo Díaz.

Ikinokonsidera ang grupo bilang one of the biggest Latin boy bands sa kasaysayan, na kinikilala rin na Most Iconic Latino Pop Music Band.