ni NOREEN JAZUL
Inirekomenda ng mga alkalde ng Metro Manila na isailalim sa dalawang linggong “flexible” Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang naturang lugar, simula Mayo 1.
Paliwanag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, sa ilalim
ng “flexible” MECQ marami pang negosyo ang papayagang magbukas, gayunman, ipaiiral pa rin ang mahigpit na health at safety protocols.
“Halos lahat ng mayor pumayag dito dahil mas magandang ma-control mo ‘yung impeksyon at the same time may mga bagong negosyo na ang mag o-open at ang pinaka importante yung minimum health safety protocols mahigpit pa rin to make sure na bababa talaga ang kaso,” saad pa nito.