HINDI makakasali ang isa sa mga pangunahing manlalaro sa hanay ng mga kalalakihan na si Bryan Bagunas sa idaraos na Philippine National Volleyball Federation (PNVF) tryouts sa susunod na linggo sa Subic.

Ayon kay Bagunas, nakipag-ugnayan sya kay national men's volleyball team coach na si coach Dante Alinsunurin hinggil sa posibilidad na hindi sya makadalo sa tryouts dahil kasalukuyan itong sumasailalim sa mandatory 14-day quarantine matapos dumating ng bansa mula Japan noong Abril 10.

Bukod dito,nagpapagaling din ang 23-anyos na spiker ng injury na natamo nya sa kanilang huling laro para sa Oita Miyoshi sa Japan V.League.

Nagti-theraphy sya ngayon para sa iniinda nyang MCL (medial collateral ligament) injury sa kanyang kanang tuhod.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Dahil dito,nangangamba ang Batangueño hitter na baka di sya makalaro sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi sa Nobyembre.

Ayon kay Bagunas,gustung-gusto nyang maglaro para sa national team ngunit hindi naman nya puwedeng puwersahin ang kanyang sarili dahil maaaring maapektuhan nito ang kinabukasan nya.

Pero kung mabibigyan ng pagkakataon, handa syang maglaro para sa national team.

Makikipag -usap aniya si Bagunas sa mga opisyal ng PNVF para makalaro pa rin sya sa national team kahit di sya nakadalo ng tryouts.

Siniguro nyang wala namang magiging problema dahil may pahintulot na sya mula sa pamunuan ng Oita. Marivic Awitan