BACOLOD CITY – Isa pang alkalde sa Negros Occidental ang nahawaan ng coronavirus COVID-19.

Ito ang kinumpirma ng Sipalay City government na nagsabing sa kabila ng pagsunod niMayor Maria Gina Lizares sa ipinaiiral na health protocol ay tinamaan pa rin ito ng virus.

Sinabi ni Lizares na nagkaroon ito ng sintomas ng COVID-19, katulad ng ubo at sipon.

Gayunman, sinabi pa ng city government na stable na ang kondisyon ng alkalde naumaapela sa publiko na sumunod sa health protocols upang hindi na lumaganap pa ang virus.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Glazyl Masculino