SUMUKO kahapon sa pulisya ang isang senior bomb expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.  

Nakilala ang suspek na si Norton Saptula, tauhan din umano ni Kumander Imam Karialan ng BIFF Karialan faction.

Ayon kay Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Brig. General Eden Ugale, sumuko ang suspek sa tulong ng mga opisyal ng Ampatuan, Maguindanao.

Si Saptula ay sangkot umano sa magkasunod na madugong pambobomba noong 2018 sa Isulan Sultan Kudarat kung saan anim ang nasawi at mahigit 60 katao ang nasugatan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang suspek ay may warrant of arrest mula sa Regional Trial Court-Regipn12 Branch 19 sa Isulan, Sultan Kudarat sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder.

Sumuko si Saptula dahil pinaigting na operasyon ng Joint Task Force Central at pulisya laban sa BIFF sa Maguindanao.

Fer Taboy