ni Bella Gamotea
Tatlong katao kabilan ang dalawang nasa drugs watchlist ng pulisya ang naaresto ng mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City nitong Lunes.
Kinilala ang mga suspek na sina Kenneth Estrada,alyas Kenneth,23;Keon Christopher Capellan,alyas Keon,kapwa nasa drugs watchlist; at John Patrick Agravante alyas Etik,23,pawang nakatira sa Barangay 66, Zone 8, Pasay City.
Sa ulat na natanggap ni Southern Police District chief,Brigadier General Eliseo DC Cruz,nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Major Cecilio Tomas Jr. sa No. 164 Interior Dolores St., Bgy. 66, Zone 8 sa nasabing lungsod na ikinaaresto ng tatlong suspek dakong 10:25 ng gabi kamakalawa.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang pakete na naglalaman ng 11.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P78,200;11 pirasong plastic sachet na may laman na 43.37 gramo ng ‘marijuana’ na tinatayang P5,204;P500 buy-bust money;coin purse;digital weighing scale at brown paper bag.
Ayon kay SSg Billy John Velasquez,may hawak ng kaso,agad na itinurn-over ang mga narekober na ebidensaiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.
Nakakulong ang tatlong suspek sa custodial facility ng Pasay City Police at sasampahan ng kasong Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ng lungsod.
Samantala pinuri naman ng SPD chief ang mga operatiba ng Pasay PNP sa matagumpay na pagkakadakip sa mga suspek at ang tuluy-tuloy na kampanya kontra iligal na droga.