ni Leandro Alborote

Isang siklista ang duguang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital nang aksidenteng mabundol ng isang Isuzu Elf closed van sa highway ng Barangay Sta. Cruz, Tarlac City kahapon ng madaling araw.

Ang biktimang isinugod sa ospital ay kinilala ni traffic investigator Police Corporal Eddie M. Somintac na si Dominador Tobias, Jr., 40, may-asawa, ng nasabing barangay.

Ang behikulong nakabundol sa biktima ay may plate number NCK- 3504 at minamaneho ni William Abdon, 38, single, ng Barangay Udiao, Rosario, La Union.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Dakong 5:00 ng madaling araw, nagbibisekletasi Tobias patungo sa Timog nang mabundol ng kasunod na behikulo.