HANDA sa hamon maging bansagan mang underdogs ang Balipure Water Defenders sa Open Conference ng Philippine Volleyball Leagues (PVL).

Para kina Satriani Espiritu at Gyra Ezra Barroga – dalawa sa pambato ng koponan ---- titanggap nilang malaking hamon sa kanilang hangad na kampeonato ang mga pasakalye ng mas malalakas na koponang makakaharap sa bubble set up ng PVL sa Sports Academy sa Calamba, Laguna.

"Preparation talaga ang nasa isip namin dahil papasok kami sa challenging competition. Wala nang takot basta ang advice sa'min nina coach ay laro at laban lang. Do our best. Kung ine-expect nila na underdogs kami, para sa amin challenge iyon to prove them wrong," ayon kay opposite hitter Barroga sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom nitong Huwebes.

"Iyong mga challenges naman sa PVL, helps me grow as an athlete. Kung may pressure man dahil sa mas mabibigat ang kalaban, leave that at the back of my head and beat other team. Feeling ko kasi sa mga interviews sa amin, underdogs kami, we are not. Actually, I'm really excited, kasi it's over a year nang wala sa mismong game," pahayag naman ni Espiritu.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ipinagmalaki naman ni team manager Gil Cortez ang kanyang bataan ma itinuturin niyang " Ang mga batang 'to palaban”.

“I know may mga pangalan ang ibang teams, laban lang kami kung laban, bilog ang bola. Isa pa, ang advise namin sa kanila maging friendly sa media at take their advise kung kailangan para sa mas mahusay pa nilang laro,” aniya sa program ana itinatahuyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games and Amusements Board (GAB).

Ikinatuwa rin ni coach Abella ang pagbabalik sa team ni Gracielle Bombita, nagsisilbi ngayong team captain ng Water Defenders.

“Every year naming nililigawan ang malalakas na players, pagdating kasi sa pilian ng players ay matindi rin ang competition, good thing nakuha namin siya. Matagal ko nang kinakausap si Grace, kahit na lumipat siya sa iba ay sabi ko open pa rin siya sa amin na bumalik. Para sa akin F2 at PetroGazz ang malakas,” aniya.