SA muling pagpapatuad ng lockdown sa National Capitol Region plano ng Premier Volleyball League (PVL) na iurong ang opening day ng Open Conference.

Dahil sa muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong NCR at ilang mga kalapit lalawigan, lahat ng mga teams ay napilitang itigil ang bubble training.

“We’ll probably have to move the opening,” pahayag ni league president Ricky Palou. “We will be meeting with our team owners and representatives later this week or early next week to discuss our options.”

Mula sa orihinal nitong schedule ng pagbubukas sa Abril 10, possible itong gawin sa unang linggo ng Mayo.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Ngayon, balik ang mga players sa online trainings. Plano ng PVL na idaos ang kanilang Open Conference sa loob ng Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Marivic Awitan