Ni ALEXANDRIA SAN JUAN

Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na isuplong ang mga lumalabag sa ipinaiiral na health protocols sa loob ng public utility vehicles (PUVs) para na rin sa kanilang kaligtasan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Humihingi na rin po kami ng tulong sa ating publiko na kapag may nakikita tayong hindi sumusunod ay isumbong lang sa amin,” apela ni Transportation Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon, Jr.

“Kailangan pong tulung-tulong tayo para masiguro na lahat ng health protocols natin ay nasusunod,”aniya.

National

Don't worry! Pilipinas, handa sa Nipah virus—DOH

Sa kasalukuyan aniya, naniniktik na ang mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), at Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa mga pampublikong sasakyan upang matiyak na nasusunod ang health at safety guidelines.