ni Ador V. Saluta
Si KZ Tandingan ang nanalo ng Best Song sa katatapos lamang na Himig 11th Edition competition para sa kantang Marupok. Sa kanyang panayam pagkatapos ng kompetisyon sinabi niyang mas madaling maka-relate sa mga bagong kanta kumpara sa heartbreaking compositions na kanyang sinalihan noon.
“Itong Marupok naman kasi parang wala akong kilala na hindi nakaka-relate dito sa kanta na ‘to. They can deny, they will deny, people have denied na marupok sila. But I am pretty sure na lahat tayo marupok,” bungad niya.
“Most of the time sa tao, but some of us marupok sa mga bagay na alam nating makakasama sa atin like ako may mga pagkain na bawal sa akin because my body rejects them. But dahil masarap, hindi ko pinapakinggan yung katawan ko ,” biro niya.
“So parang yun yung inisip ko, ano ba yung mga bagay na mag-ti-trigger ng aking pagiging marupok? So it was so easy to tell this story and ang ganda kasi nung pagkasulat nung song. She turned it into something positive eh. Na pagka in-acknowledge mo na marupok ka, so now that you know it, alam mo na kung ano ang iiwasan mo,” sabi pa ng singer.
Taong 2014, bago siya nagwagi sa parehong Himig competition, kanyang ibinahagi ang panahong down na down siya.
“May point kasi sa career ko dati na I thought it was over for me sa industry na ‘to. Na wala ng nangyayari, I was already planning to just uproot my life dito sa Manila and go back to Mindanao. And biglang dumating yung Himig Handog and I got to interpret Mahal Ko O Mahal Ako and that catapulted me to where I am today. I will forever be thankful to Himig Handog dahil sa opportunity na yun,’” pagtatapat ng ASAP Natin ‘To regular preformer.
Sa edad na 29, kanyang ibinahagi na habang tumatanda, wiser na siya sa pagpapatakbo ng buhay at pag-ibig. Kanya ring ipinagmamalaki na nalampasan niya ang mga malalaking pagsubok sa kanyang buhay noon.
“Actually, dahil sa mga pinagdaanan ko na yun, now I know myself better.”
Kinikilala bilang isa sa mga importanteng mang-aawit si KZ at aniya’y bukas siya sa pagkakataong makipag-collaborate sa baguhang songwriters at singers,” aniya.
“I think it’s also my responsibility na as a singer, as a musician, especially na may ganitong platform na more people get to hear what I sing and get to hear the music na nilalabas ko, it’s my responsibility na sumuporta sa mga new breed of songwriters and singers. So I think interpreting Daniella’s (Balagtas, ang composer) song was the least I could do, parang ganun,” paliwanag niya.
“And I am very thankful that I worked with Daniella kasi nanggagaling siya sa ibang anggulo sa pagsulat ng isang kanta and that’s something that we need lalong lalo na sa OPM ngayon.
“We need to be open to everything kasi music is constantly evolving and hindi tayo kailangan mag-stick lang sa kung ano yung mga formula na mag-wo-work sa music industry in the past. It’s time to revolutionize everything and ang isang step para gawin yun is to listen to the people who know what is current.
“So be open minded. Kahit saang anggulo tingnan mo kasi ang dami-dami mong bagay na matututunan,” aniya