NADOMINA ni Jerish John Velarde ng Marie Ernestine School sa Cebu ang 1st Philippine Hybrid Chess Club Championship sa malinis na marka sa chess platform Tornelo.

Umabante ng kalahating puntos ang 14-anyos na si Velarde, pambato ng Barracks Chess Club, sa sumegundang si Jave Mareck Peteros ng niversity of San Carlos Cebu. Tumapos si Peteros,16, na may 4.5 puntos.

Nagsosyo sa ikatlong puwesto sina Junsen Audric Maranan, John Cyrus Borce at Fletch Archer Arado na pawang may tig-apat na puntos. Sina Borce at Arado ay magkasangga sa Zamboanga Hermosa Chess Club na nagkampeon sa InterClub.

Kabuuang 46 players mula sa 17 clubs ang sumabak sa torneo, kabilang ang pamosong Malaysian Brainy Chess Academy. Ang Hybrid chess ay online game kung saan pinangangasiwaan ng arbiters sa kanilang mga lugar. May time control na 60 minuto para tapusin ang laro at 30 segundo para makagawa ng move.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang 10 finishers na nakatanggap ng premyo at sertipiko mula sa pagtataguyod nina Mr. Joel E. Villanueva, Founder of Chess Center of Excellence, Mr. David B. Bayarong, OIC, City Sports and Youth Development Office, Olongapo City at Mr. Walter J. Villadiego, may-ari ng W.J. Villadiego Customs Broker