ni Marivic Awitan

MGA bagong mukha ang nanguna sa pagpasok ng Gilas Pilipinas pool sa panibagong bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna nitong Lunes.

Kabilang sa mga ito sina RJ Abarrientos ng Far Eastern University,Carl Tamayo ng University of the Philippines at sina Lebron Lopez at Kyle Ong ng Ateneo de Manila High School.

Kasama rin nilang pumasok sa bubble sina Ateneo Blue Eagles Gian Mamuyac, Jason Credo, Joshua Lazaro, Troy Mallillin, Geo Chiu at SJ Belangel.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasabay ng iba pang mga players kabilang na ang apat na napili sa special Gilas round noong nakaraang PBA Rookie Draft na sina Jordan Heading, William Navarro, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab , magsisimula ng kanilang isang buwang training camp ang pool bilang preparasyon sa darating na huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers at 2021 Olympic Qualifying Tournament sa Hunyo.

“We have to prepare for the FIBA window and OQT in June. As it stands right now, the rosters will be selected without PBA players. So we obviously need to work with the players available,” ayon kay Gilas program director Tab Baldwin.

Kasama ding pumasok ng Inspire Academy ang mga holdovers ng mga nakaraang Gilas pool na sina Dave Ildefonso, Dwight Ramos, Justine Baltazar, Chris Koon at naturalized big man na si Angelo Kouame. Inaasahan namang susunod sa kanila sina Isaac Go, Matt at Mike Nieto at Rey Suerte na kasalukuyang may mga iniindang minor injuries