PINANGUNAHAN nina Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr. at Woman National Master Jean Karen Enriquez ang Laguna Heroes sa 17-4 victory kontra sa GM Darwin Laylo-led Pasig City King Pirates sa battle of division heavyweights sa All Filipino Conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) nitong Miyerkoles sa chess.com.
Ang Arizona-based na si Barcenilla, two-time (1989 and 1990) Asian Juniors champion sa India at Dubai at 1991 Bronze medalist sa World Juniors championship sa Romania ay nagwagi kay Olympiad veteran Laylo sa 59 moves ng English Opening, Anglo Indian, Queen’s Knight variation sa blitz portion at napalaban ng husto at nauwi sa tabla sa 32 moves ng Scandinavian defense sa rapid play sa kanilang board 1 skirmish.
Sa panig naman ni Enriquez na dating Jose Rizal University, Mandaluyong City standout ay ginapi si Woman Fide Master Sherily Cua sa blitz (resign after 26 moves of Reti Opening, Sicilian Invitation) at rapid (checkmated after 64 moves of Caro-Kann defense ) showdown sa kanilang board 3 encounter.
Mga bida rin sa Laguna na suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic at ng Rotary Club of Nuvali ay sina FIDE Master Jose Efren Bagamasbad, Grandmaster John Paul Gomez, Vince Angelo Medina at Kimuel Aaron Lorenzo.