ni Marivic Awitan
PORMAL nang inihayag ng Premier Volleyball League ang 10 koponan na lalahok sa darating na PVL Open Conference na magsisimula sa Mayo 8.
Pinangungunahan ang mga koponan na sasabak sa loob ng isang bubble tournament sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ng defending champion Creamline.
Kasama nila ang nagpalakas ng roster na Petro Gazz gayundin ang Choco Mucho, Perlas at Bali Pure. Nariyan din ang nagbabalik PVL na PLDT kasama ang isa ring dating PSL club na Cignal.
Sasabak din ang bagong koponang Peak Form na gagamitin na ang pangalang UAC Energy Holdings at ang dalawang Armed Forces of the Philippines squads na Army at Air Force bilang mga guest teams.
“Right now we have 10 already. The others, wala pa naman eh!. May mga balita pero hindi naman, wala namang nagko-confirm,” ayon kay PVL President Ricky Palou. Ang darating na Open Conference ang unang conference ng liga bilang isang professional league.
Gayunman, ang mga manlalaro ng NCAA ay pinapayagang makapaglaro dito matapos silang pahintulutan ng NCAA management committee na gumamit ng special guest license ng Games and Amusements Board (GAB)