ISASAGAWA ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang taunang San Miguel Corp. (SMC)-PSA Awards Night via online sa Marso 27 sa TV5Media Center Studio sa Mandaluyong City.

Limitado lamang ang bilang ng mga panauhing iimbitahan at ang ibang

awardees at guests ay ikukonekta na lamang online.

Kabilang sa lubhang naapektuhan ng Covid-19 pandemic ang sports community. Ngunit sa kabila nito, may mgaatletang Pinoy nakagawa pa rin ng tagumpay.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Muli, magiging tampok sa naiibang pagdaraos ng event na itinataguyod ng SMC at ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paggagawad ng Athlete of the Year trophy na ekslusibong ipinamimigay ng pinakamatanda at respetadong media organization sa bansa na kasalukuyang nasa ilalim ng pamumuno ni Manila Bulletin sports editor Tito Talao. Ang iba pang mga regular awards na igagawad ay ang Executive of the Year, President’s Award, National Sports Association (NSA) of the Year at Lifetime Achievement Award.

Hindi rin mawawala ang mga major awards para sa iba't-ibang sports gayundin ang mga citations at special recognitions sa mga tao at mga personalidad na nakatulong upang isulong ang Philippine sports kahit may global health crisis. Marivic Awitan